Top ↑ | Archive | Ask me anything

Welcome Back Hyun Bin!

I can’t let this day pass without writing about Hyun Bin’s military discharge after 21 months of serving the Marine Corps. 

image

How touching that he shed tears upon mentions of acting. He must have really missed being in the screen. 

image

We missed seeing you too, Hyun Bin! Welcome back to the outside world! LOL.

Sharing to all of you this interesting comic strip I read while working in a turtle-like internet. HOHO. We don’t have winter here in the Philippines but we should take care of ourselves all the time from about every thing. :p

(via mayownase)

A powerful performance from Luna of fx in Immortal Song 2. For me, she is the taeyeon of fx :)

Living the Koryan Dream: Day 1 (Myeongdong)

So sa wakas nagkaroon din ako ng time mag-blog sa aking Koryan Trip. Two weeks na din ang nakakaraan ng matupad ko ang pangarap kong mabisita ang bansa ng aking mga Koryan Idols :)

Bago ko ikwento dito kung ano yung ginawa namin ni Nhinay nung Day 1, ikukwento ko muna yung nangyari sa airport bago kami nag-fly to Korya. 

Super memorable kay Nhinay ang first International flight nya dahil bonggang kaba ang naganap sa kanya. Gawa yon ng immigration officer na napilahan nya. Kaloka lang si ateng dahil best in tanong sya kay Nhinay kung ano daw gagawin nya sa Korya at kung ano-anong documents ang pinaghahanap. Halos tumagal ng more or less 15mins si bakla dun sa counter samantalang yung mga foreigners e parang pinapadaan lang nila. Natakot na din ako slight para kay Nhinay sa pag-iisip na baka hindi matuloy yung trip namin T_____T Nawala lang yung kaba nung finally e nakalagpas na si Nhinay sa immigration. Sinumpa nya talaga forever yung immigration officer na yun. Hahaha. 

Actually hindi lang yon ang nakakalokang naganap sa trip namin e. After sa immigration, dumaan naman kami sa scanning ng mga bags. Natatawa na lang ako sa nangyari kasi naiwan ko pala yung mga canned goods ko sa hand-carry bags ko. Kaloka much talaga! Yung mga pagkain ko talaga yung nadala ko kaya natawa sakin sila kuya na nakabantay. Nalaman tuloy nila na talagang hindi kami maghahanap ng work dun katulad ng binibintang nila samin ni Nhinay dahil sa mga pagkaing dala ko. Wohohoho. Nakakalungkot lang kasi nakuha yung pabango ko. Best in tanga-tangahan talaga ang peg ko nung gabing yon. Nasama pati yung tripod ni Janey at fork ni nhinay sa nakuha. Nagkalasog-lasog yung tripod though pinadala na lang din samin. 

Sa wakas natapos ang kalbaryo namin at after two hours e naka-board na din kami. Bumorlog kami ni Nhinay sa eroplano dahil madaling-araw ang flight namin. Nasanay na din siguro ako sa pagsakay ng eroplano (yebeng!) dahil hindi na sumasakit yung tenga ko. After almost six hours of flight from Manila to Incheon, yipeee! nakatapak na din kami sa Korya! *tears* charot!

Best in laki award ang airport nila at NAPAKAGANDA! Wala kang pagkaligaw kasi halos lahat ng signages nila e may english translation na. Friendly sa mga foreigners like us (naks pumo-foreigners!) hahaha.

Nakalimutan kong ilista kung paano kami makakarating sa guest house na tutuluyan namin pero walang naging problema dahil best in wifi ang airport nila. Kahit saan ka magpunta, may wifi. Salamat sa smartphone na binigay sakin ni Joycy beybeh na gamit na gamit ko sa korya everytime na may wifi kaya naman nasearch ko kung paano makakarating sa Backpackers Mr. Sea. 

Kahit na alam na namin yung sasakyan na bus, dahil segurista kaming dalawa ni Nhinay e nagtanong na din kami sa airport officers na andun para sa bus number na sasakyan namin. 

Sa korya pala, napakahalaga na tama yung pronunciation mo ng bawat salita nila kasi pwedeng hindi ka nila maintindihan. Nagtanong kasi ako sa isang officer kung paano pumunta sa Hyewa Rotary (dun ang location ng guest house namin). Ang pagkakabanggit ko e “Hiyewa” na dapat e “Hewa” lang kaya mejo nalito ang girlash na officer. Malay ko ba naman kung dapat bang may hangin o wala o silent letter o hindi yung sa words nila di ba? A basta na lang magaling pa din syang mag-english kaya natunton namin ang bilihan ng bus ticket at sa wakas e nakasakay kami papuntang “Hewa”. Hahaha. 

Nung nakasakay na kami, aw sosyalin ang bus. Airport Limousine pala sinakyan namin ah. Napakaconvenient na dahil halos buong seoul e iniikutan nya. Mas mabilis yung express train pero kumplikadong sundin ang instruction kaya naman dun kami sa less ang instruction at hindi required na magtanong ng magtanong. Hahaha. 

Halos isang oras yung byahe namin from Incheon Airport to Seoul. Ang Incheon e isang province sa South Korea na malapit lang naman pero kailangan mo pa ring mag-bus para makapunta dun. Buti na lang kahit isang oras ang byahe, aba kumportable talaga! Ang ganda ng bus nila at napakalinis pa. Yung magazine nga na pwedeng basahin para basahin habang nagbabyahe e binalak ko pang nenoken (kunin) dahil may pictures ng Soshi at ng ibang Koryan stars na gusto ko. Hahaha. Tinakot lang ako ni Nhinay kaya hindi ko tinuloy kunin e. 

Sa buong byahe e nakatitig lang ako sa mga dinadaanan namin. Grabedad talaga sa ganda ang Korya. Yung mga daan e patag, malinaw yung mga traffic and road signs and ultimately walang traffic. Wala kang pangit na makikita honestly. Sa tamang babaan at sakayan lang humihinto yung bus at kahit anong public transportation. Nakakatuwa talaga. Si Nhinay hanggang sa bus e sinusumpa pa din yung immigration officer. Hahaha. Hinding-hindi na daw talaga makakalimutan yung babaeng yon. Hahaha. Maya-maya naman nakatulog sya sa pagod. Ang bigat din naman kasi ng mga dala namin. Hahaha. 

After one hour, nakarating na din kami sa aming bababaan. Kung tama ako, sa Sungkyunkwan Station kami bumaba gamit ang bus 6011. Best in madali yung driver sa paglabas ng gamit namin kasi may time limit lang sila sa paghinto kada station. O di ba paanong magkaka-traffic kung ganyan sila ka-strict? Hehehe. 

Hinanap namin agad yung guest house na tutuluyan namin na kung tumingin lang kami across the street e nakita na sana namin pero ang nangyari e pumasok kami sa isang malapit na kanto. Dun namin napagtanungan yung ahjumma na todo kausap samin ng koryan na hindi talaga namin maintindihan. Pinakita ko sa kanya yung address na hinahanap ko na mukhang hindi nya alam pero talagang sinamahan nya kaming hanapin. Ang cute nya! Pabalik-balik na kami sa ilang street kakahanap nung guest house namin pero wala talaga. Gusto na naming sabihin na okay na, kami na lang maghahanap pero ayaw nya pa ding tumigil sa paglalakad. Hahaha. Mga 15mins siguro syang nagsasalita ng korean na hindi namin maintindihan para sa paghahanap ng street ng backpackers. Nung sa wakas e sumuko na din sya, kami na lang ni Nhinay ang naghanap.

Umagang-umaga nun at nawawala kami. Yung mga taong dumadaan e nakatitig samin. Ang lalaki ba naman ng mga bags namin tapos nagmamaganda pa kaming naka-boots e summer sa kanila sino ba naman ang hindi magtataka? Hahaha. Nung feeling namin e nawawala na nga kami, naisipan kong bumalik dun sa pinanggalingan namin na isang tamang desisyon dahil nung napatingin ako sa harap e nagsusumigaw yung logo ng backpackers mr. sea. Hahaha. Minsan daw kasi dapat sa harap muna tumitingin hindi sa kaliwa o kanan. :p

Sa wakas e nakarating na din kami sa backpackers mr. sea. Binaba namin agad yung mga mabibigat naming gamit at pati sapatos dahil yun ang policy. Yay nasa korea na nga kami! Hahaha. 

Pina-confirm ko yung reservation ko. Pagkatapos mabayaran yung balance pa namin e dinala na kami sa aming room at pinakita ang ilang rooms pa na pwede naming gamitin. Syempre sa lahat ng rooms ang paborito ko e yung kitchen. Hahaha. 

Nagpahinga lang kami saglit, nag-ayos ng gamit at nagpalit ng damit, ready na kaming simulan ang paglilibot ng hindi nakisama ang panahon. Best in ulan nung Day 1 namin sa Korya. Naalala ko tuloy yung sinabi ko kay Janey na gusto kong maranasan ang ulan sa Korya pero hindi naman bagyo. Hahaha. Mga isang oras siguro kaming naghintay bago tumila yung ulan. Dahil sa hindi maganda ang panahon, ang naisip na lang naming puntahan e Myeongdong. Hahaha. Shopping talaga agad?!

Yeah I know katimangan yung dahilan ko kung bakit sa Myeongdong agad kami pupunta pero may iba pa namang tourist spots sa myeongdong like yung cathedral though ang myeongdong ay mainly shopping district sa Seoul. Hahaha. 

So gumora na kami sa subway na talaga namang pinag-aralan namin ng bongga dahil naso-shokot kaming maligaw. Yung pag-purchase ng T-money e talaga namang makasaysayan samin ni Nhinay dahil una best in reklamo sya sa presyo ng t-money card, na sa pera natin e 100php. Okay lang sya sakin kasi makapal sya, cute ang design at sabi pa ni Janey e hindi nae-expire. Kaya naman kapag bumalik ako ng korya (soon) e maari pa din syang gamitin. 

Yung sa T-money card, mabibili sya sa mga convenience stores like CU, family mart, etc. 2500krw sya card pa lang yun. Magagamit mo lang sya once na ma-reloadan mo na pwede sa convenience store na mismo o sa subway na. In our case, sa subway na namin nireloadan. Walang problema sa pagre-reload dahil may english translation yung reloading machine. Halos lahat nga ng bagay sa Korea e naka-english translate na. Friendly talaga sila sa mga turista. 

Una naming reload e 10,000krw. Halos 1,050krw (40php) ang fare sa subway nila. Murang-mura na lalo na kapag malayo naman ang bababaan mo. Kahit sa bus ganyan din ata ang pamasahe kaya naman kung gusto mo ng mabilis na byahe e mag-subway ka na lang. 

Nung nasa loob na kami ng station, aba syempre first time, kaya naman amaze na amaze kami sa ganda ng station at trains nila. Nag-umpisa na din ang piktyuran dun pa lang. Hahaha. May isang local pa na nag-offer piktyuran kaming dalawa ni Nhinay. Hehehe. Nag-picture din si Nhinay with him dahil syempre para masama sa blog. Nga pala, napagkamalan nya kaming students!! OMG!! Hahaha. 

May nakakatawang nangyari samin sa first time naming pagsakay ng subway. Si nhinay kasi laging in doubt sa mga ginagawa namin lalo na sa pagsakay sa subway. Hindi sya maniniwala na tama yung sinasakyan namin hangga’t hindi kami nagtatanong o hindi namin nakikita na talagang papunta sa kung saan man namin binabalak pumunta yung tren. Dumating na yung tren na dapat e sasakyan namin papuntang Myeongdong pero dahil hindi pa kami sigurado e hindi kami sumakay. Huli na ng malaman namin na yun pala ang tamang tren ng si  kuya na nakipag-piktyuran samin e sini-signalan kami na papunta ang tren sa myeongdong. Hahaha. Naghintay pa tuloy kami ng ilang minuto pa bago nakasakay. 

Isa pa palang bagay sa subway station sa Korea, hindi pwedeng hindi mo malalaman na padating na ang tren dahil may malakas na sound silang pinatutugtog signaling the train is approaching. Ang cute nga ng sound na yun e. Hahaha. Sa loob ng tren, kung anong lahi ka man, malalaman mo kung anong station na dahil translated in three major languages (english, chinese and japanese) yung station announcement nila. Tarush noh?!

Nang nakarating na kami sa Myeongdong station, nagtanong kami kung anong exit yung lalabasan namin. Medyo yun ang mahirap sa subway nila dahil kailangan tama yung exit na lalabasan mo kung hindi magsasayang ka ng oras at maliligaw. Yung napagtanungan namin e hindi gaano kagalingan mag-english though naintindihan naman namin sya. Karamihan ng napagtatanungan namin kapag hindi marunong magsalita ng english e kamay ang ginagamit sa pagturo ng direksyon o sinasamahan na kami mismo. Hahaha. Hindi ka talaga nila tatanggihang tulungan. :p

Nakasiguro kaming tama ang exit na sinabi ni kuya nung nakita na namin ang signage na “Welcome to Myeongdong Market”. Hahaha. O ayan obvious talaga na shopping ang pinuntahan namin agad. Hahaha. 

Best in dami ng tao sa myeongdong. Karamihan ng lahing nakita namin e mga chinese na di na gaanong katanggap-tanggap ang itsura dahil sa pinaglalagay nila sa mukha at mata nila. Sila din halos ang nasa loob ng mga cosmetics shop. Feeling ko pumunta lang talaga sila ng korya para dun e. Charot! 

Kaloka ang myeongdong dahil kada block e mga pamilyar na cosmetics shop ang makikita mo from etude, faceshop, tony moly, missha, nature republic, sassem at kung ano-ano pa. Mga ganyang shops talaga ang makikita mo sa myeongdong. Konting-konti lang yung mga nagtitinda ng damit at mga souvenirs shops tapos bongga pa sa kamahalan yung mga tinda. Pwedeng hindi lang namin masyadong nalibot yung myeongdong kaya hindi kami nakakita ng mga murang bilihin pero tunay na mahal talaga mga tinda dun. Hahaha. Umuwi talaga kaming walang nabili galing sa myeongdong. :p

Nung lunch time na, kumain kami sa isang korean restaurant na nagse-serve ng masarap pero napaka-anghang na pagkain. Hindi pala kami kadalasan pumapasok sa mga kainan na lumalagpas sa 5500krw ang presyo ng food (hahaha ang kunat!) at  hindi namin nakikita yung itsura ng pagkain maliban sa nangyari samin sa Nami Island dahil baka hindi worth sa presyo yung makakain namin. Sa first korean restaurant na ito e may pictures sila ng mga food na ino-offer nila kaya naman gumora kami sa loob. 

Inumpisahan namin ang pagiging makunat namin ni nhinay sa restaurant na ito hoping na kahit isang meal lang ang bilhin namin pero hindi allowed T_T Kaloka naman din kasi sila sa serving na kadalasan ng kinakain namin e hindi namin maubos sa dami. Tapos may kakaiba pa sa rice nila na talaga namang ilang subo lang e busog ka agad. Never din pala kaming umorder ng may kulay na drinks sa bawat meal na kinakain namin dahil bukod sa makunat kami e may kakaibang sarap ang tubig sa korya. Dapat pala naguwi ako! Hahaha. 

Dumating yung food namin, bonggang namumula sya nung hinalo-halo nung mga crew though mukhang masarap na masarap naman talaga. Mga three spoonfuls e halos bumuga na ako ng apoy dahil sa anghang T_T Si nhinay tuwang-tuwa dahil mahilig sya sa spicy food. Hindi namin naubos yung food namin pero dahil ayaw naming nagsasayang ng food (masama yan) e nilagay ni Nhinay sa dala-dala nyang lock lock yung tira (ng palihim! hahaha). Basta may chance si Nhinay na kunin yung tira nyang food, ginagawa nya talaga. Hahaha. Walang hiya-hiya ang lola mo! Actually nakain pa namin yung food pagkauwi namin at kinabukasan nung hindi ko pa din naubos. Infernalu hindi sya nasira. hahaha. 

After naming mag-lunch e naglibot-libot pa kami sa pag-asang makakabili ng murang bilhin sa myeongdong pero bigo talaga kami. Hindi talaga namin kayang bumili ng bagay na sa makunat naming taste e napakamahal. Hahaha. Dumaan kami sa Seoul Tourism Office sa may M-Plaza para makapag-hanbok fitting pero close na yung registration T_T. Maganda naman sana mag-fit dun kasi pero pa silang backdrop na maganda. Buti na lang hindi nasayang eyfort namin dahil may free sending of post cards! (na hindi pa din dumadating hanggang ngayon) hahaha. Sumakit kamay namin sa pagsusulat ah kaya dapat dumating yun! 

Dumiretso kami sa Myeongdong Cathedral after sa Seoul Tourism Office. Ang hirap ng walang skills sa pagbabasa ng map kasi medyo nagkaligaw-ligaw na naman kami sa next naming pupuntahan. Buti na lang may mga tourist information guides na pwede kang mapagtanungan. Ganon talaga sila ka-friendly sa mga turista kaya naman kering-keri at sulit na sulit na pumunta sa kahit anong lugar sa seoul. Syempre basta tourist spot ah. :p

Ilang blocks mula sa kinaroonan namin, e narating namin ang Myeongdong Cathedral. Bumuhos ang nakakalokang ulan at sarado o sobrang pagod na kami kaya hindi na kami pumasok sa loob ng simbahan. Nag-picture na lang kami sa labas. Nakakaloka talaga ang ulan kasi wala syang paghinto. Pumasok na lang kami sa shop ng lineage para bilhan ng make-up si Camila kaya hindi kami masyadong nabasa. 

Nung ayaw na talagang tumigil ang ulan, nag-decide na kami ni Nhinay na umuwi. Pagod na pagod ang mga lola nyo dahil bagsak kami pagdating sa guest house. Pinag-usapan namin na iidlip lang kami sandali at pupunta ng insadong kinagabihan pero ang lola Nhinay nyo tinuloy na ang pagtulog. Ako ay late ng natulog dahil sa bukod sa hindi ako sanay matulog ng maaga e gusto kong maranasang magpuyat sa Korya. Huwat?! Hahaha. Oo timang talaga ako pero yun talaga ang dahilan ko. Binalak kong lumakad mag-isa pero naweirduhan akong maglakad mag-isa sa korya though alam ko namang safe sya kaya nanood na lang ako ng k-drama sa laptop ko. Oha oha naranasan kong manood ng k-drama mismo sa korya! Hahaha. 

Mga 12 na ata ako natulog samantalang si Nhinay e nagpapa-apaw na ng kanyang balon (naglalaway) hahaha. At dun nagtapos ang aming Day 1 sa Korya! :)

(via jengkiey)

status: back in Melbourne: Quezo

jascurtissmith:

Read this on my facebook timeline. Queso Jazzy kicking in! But so true :) Written by a guy apparently!

“Ang galing ng lalaking nagsulat nito:

”Ang mga babae, madaldal/mabunganga.” Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na…